Pagsusuri sa Isang dipang langit.
Garde, David P.
BSCRIM 2-B
ISANG DIPANG LANGIT
IKALAWANG GAWAIN
1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez.
-Suriin kung anong uri ng tula? Anong teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?
•Ang uri ng tulang aking nabasa ay padamdamin dahil nakasaad dito ang marubdob na karanasan ng isang taong ikinulong at ang kanyang masalimuot at malungkot na dinanas sa loob ng bilangguan. Maaari itong masabing isang tulang elehiya, dahil ang tulang ito ay nagsasaad ng matindingkalungkutan. Biyograpikal ang teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri ng tulang ito sapagkat pinapakita ang mga pagsubok na pinagdaanan niya sa loob ng bilangguan at walang kawalan ang pag asa na mayroon siya at may pagkakataon pa na mabago ang kanyang buhay sabi nga sa tula, "Ang tao’t Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api. "
- Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.
•Ang inilalarawan ng persona sa tula ay ang buhay ng isang bilanggo na puno ng hinagpis at kalungkutan na para bang itinakwil siya ng buong daigdig na kahit buhay pa siya ay pakiramdam nya isa na siyang malamig na bangkay at kahit na ganon ang kanyang kalagayan ay abot langit parin ang kanyang pananalig na malampasan ang mga pagsubok na kinakaharap niya sa buhay.
- Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.
•Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti
•Ito ang aking napili dahil para saakin habang binabasa ko ang saknong ito ay parang musika sa aking pandinig. Ako'y nasisiyahan at nagagalak sapagkat ang ibig nitong sabihin ay habang may buhay may pag-asa at hindi habang buhay ikaw ay nasa ilalim manalig lamang, lakas ng loob at gawing sandata ang pag-asa sa pagharap sa mga pagsubok.
2. Ipakilala ninyo sa aking si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.
•Si Amado V. Hernandez (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang .Manunulat ng mga manggagawa sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.
3. Gawing maikling kwento ang tulang " Isang dipang langit" ni Amado V. Hernandez.
• Ang tulang ito ay patungkol sa isang bilanggo at karanasan nito sa loob ng bilangguan malungkot man ang kanyang buhay ay hindi siya nawalan ng pag-asang lumaban anumang pagsubok ang dumating na kahit umabot man sa sukdulan ng kailaliman ng mundo ay lalaban siya sa buhay dahil habang may buhay may pag-asa at darating ang araw na sa pagdungaw nya sa isang dipang langit ay mawawala na ang luha sisikat ang gintong araw ng tagumpay na sasalubong sa kanyang paglaya. Ang tulang ito ay malungkot ngunit hatid naman ay pag-asa sa bawat mambabasa.
Comments
Post a Comment