Blog 5

 DAVID P. GARDE

BSCRIM-2B 


Sarah

ni Fanny A. Garcia

Mula sa Pamilya, Migrasyon, Disintegrasyon (2012)


Gabay sa Pagsusuri

1. Ano ang ibig sabihin ng migrasyon-disintegrasyon?

- ito ay isang proseso ng pag-alis o pag lipat sa ibang lugar o teritoryong pulitiko patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. 


2. Ilahad ang konsepto ni Sarah sa OFW? Sa iyong palagay, paano niya nabuo ang gayong pagpapakahulugan sa OFW?

- Ang konsepto ni Sarah pag sinabing OFW ay magkakahiwalay, malungkot, minsan may problema, masaya at mas nagiging mahal niyo ang isa't isa. Sa aking sariling opinyon, nabuo ang pagpapakahuluhan niya sa OFW dahil mula ito sa kaniyang karanasan bilang isang anak ng OFW. 


3. Ano ang konsepto ni Sarah sa pamilya? Ilahad ang mga gawaing nakaatang sa bawat isang myembro ng pamilya ayon kay Sarah.

- Ayon kay Sarah ang naiisip nya tungkol sa pamilya ay Pamilya. Sama-sama, nagtutulungan, nagkaksundo. 

Tatay. Siya ang hanapbuhay, nagdadala ng pamilya. 

Nanay, siya ang nag-aalaga.

Ate. Siya ang dapat na sinusunod ng mga Kapatid. 

Kuya. Tulad ng sa ate.

Bunso. Siya ang pinakamasunurin


4. Ilarawan ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah bago magtungo ang kanyang ina sa Saudi Arabia upang magtrabaho doon.

- Maayos naman ang kanilang pamumuhay, parehong nagtatrabaho ang kanilang magulang kinakapos lang sa mga gastusin at masyadong seloso ang kanyang ama kaya hindi rin nagtatagal sa trabaho ang kanyang ina. 


5. Ano-ano ang iba‘t ibang salik na nagtulak sa ina ni Sarah upang magtrabaho sa Saudi Arabia? Ano-ano naman ang dahilan ng mga OFW na iyong kakilala o nababasa sa mga pag-aaral?

- Ang iba't ibang salik na nagtutulak sa ina ni Sarah upang mag trabaho ay isa na rito ang Pangangailangan sa pang-araw, mga utang na dapat bayaran, umasenso sa buhay, at mapag-aral silang magkakapatid. Ang mga dahilan naman ng mga OFW na kakilala ko ay walang pinagkaiba sa mga salik na nagtulak sa ina ni Sarah, sa madaling salita dulot ng kahirapan. 

6. Paano nabago ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah sa sumusunod na aspekto nang umalis ang kanyang ina upang magtrabaho sa Saudi Arabia?

Ipaliwanag.

a. Aspektong Ekonomik

- Napupunan ang kanilang pang araw-araw na gastusin, nakakabili na sila ng mga gusto nila.

 

b. Aspektong Sosyal/Relasyonal

- Hindi na nila ginagawa ang kinagisnan nila dati, ngayon parang nagkakahiyaan na sila dahil sa tagal na hindi sila nagkita. 


 Relasyon ng Magkakapatid sa isa‘t isa

- Palagi na silang nag-aaway at nagkakasakitan dahil walang inang gumagabay. 


 Relasyon ng Magkakapatid sa kanilang Tatay

- Katulad sa magkakapatid ay palagi rin silang nag-aaway dahil palaging nagwawala ang kanilang ama tuwing lasing ito hanggang umabot sa puntong nagkakasagutan at nagsisigawan na sila. 


 Relasyon ng Magkakapatid sa kanilang Nanay

- Napapalayo ang loob ng magkakapatid sa kanilang ina, nag-iiba ang kanilang ugali, nakikinig naman sila kaso minsan ay nasusumbatan ni Luis ang kanilang ina. 


c. Aspektong Emosyonal

- Sa kanilang naranasan ay minsan malungkot, minsan may problema at minsan masaya. 


7. Paano binago ng pangingibang-bansa ng kanyang ina ang pagkatao ni Sarah?

Nabago ang pagkatao ni Sarah noong nangibang-bansa ang kanyang ina, natuto siyang magluto, mag trabaho, natutunan niyang tumayo sa sarili nitong mga paa. 


8. Ilahad ang kahalagahan ng kaibigan, kasintahan at kaanak sa buhay ng isang anak na ang magulang ay nangibang-bansa para mapunan ang pangangailangan ng pamilya.

- Mahalaga ang kaibigan, kasintahan at kaanak sa bawat indibidwal lalong-lalo na sa mga anak na ang magulang ay nangibang-bansa dahil habang wala ang kanilang magulang ay nariyan ang mga kaanak, kaibigan, kasintahan na pwede nilang sandalan sa tuwing nawawalan sila ng pag-aasa. Sa tuwing sila'y nangungulila, nariyan sila upang gabayan ka, pasayahin at tutulungan ka sa abot ng kanilang makakaya.


9. Ano ang kahalagahan ng spaghetti, sinigang at menudo sa pamilya ni Sarah? Iugnay ang sagot na ito sa buhay nila noong hindi pa nangingibang-bansa ang kanyang ina/nanay.

- Para sa kanila ay masaya na sila tuwing magluluto ang kanilang ina ng spaghetti, sinigang at menudo kasi noong hindi pa nangibang-bansa ang kanilang ina ay ito palaging niluluto ng kanilang ina tuwing mayroong birthday o handaan sa kanila. Napakahalaga ng mga lutong ito sapagkat ito ang nagsisilbing masayang alaala nila sa kanilang ina. 


10. Ano-ano ang nagsisilbing coping mechanism ni Sarah upang maibsan ang pangungulila sa kanyang ina? Ipaliwanag.

- Ang nagsilbing coping mechanism ni sarah upang maibsan ang Pangungulila niya sa kanyang ina ay ang kanyang boyfriend na best friend niya pa. Ang dalawa niyang pinsan na sina Glecy at Patsy na kakampi at kasama niya sa lahat. At ang dalawa niyang baklang kaibigan na sina Owen at raffy na palagi siyang pinapatawa. 


11. Bilang isa pang halimbawa ng creative nonfiction, ano-ano ang mga katangian ng binasang akdang ikinahusay nito? Ipaliwanag.

- Ang mga katangiang ikinahusay ng akdang ito ay may katangian itong makaugnay sa mga mambabasa ngayon kasalukuyan dahil karamihan sa atin ay isang anak ng OFW. May katangian din itong ipabatid sa mga mambabasa ang mga hindi alam ng ibang tao patungkol sa mga OFW at mas mauunawaan nila ang kalagayan nang mga OFW dahil ang akdang ito ay hango sa realidad at ito ay nangyayari ngayon. 

Mungkahing Gawain


1. Sa loob ng kasunod na kahon, bumuo ng concept map para sa akronim na OFW.




Comments

Popular posts from this blog

Pagsusuri sa Isang dipang langit.