ISKWATER
Iskwater
Ni Luis G. Asuncion
Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan
1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
- Ang sentral na paksa ng sanaysay ay umiikot sa kahirapan ng mga tao na naninirahan sa iskwater.
2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng
halimbawa.
- Mayroon, at kahit ako ay hindi ko maunawaan kung ano ang dahilan at bakit naninirahan ang mga mayayaman kung saan ang mga mahihirap lang ang naninirahan. Naging isang malaking tanong yun para saakin at yung tanong na iyon ay di rin tuwirang nasagot ng may-akda.
3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag.
- Ang layunin ng may-akda sa pagtatalakay ng paksa ay para maipakita nya kung ano ang sitwasyon ng pamumuhay sa iskwater. Isang kalagayan na kailanman ay hindi makakamtan ang kanilang nais at mga pangangailangan sa pang araw-araw, at kung gaano pa ito kamatiwasay noong panahon at gaano ka gulo ngayon dahil sa mga nasisulputang malalaking bahay. Nais rin ng may-akda na pabatid kung bakit may mga mayayaman ang lumipat at tuluyang nanirahan sa iskwater
4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit?
Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
- Sumasang-ayon ako sa sa ideyang paglaban nila na hindi ipademolis ang mga bahay doon sa iskwater ng hindi dumadanak ang dugo sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa mga may katungkulan. Hindi gaya ng magulong pagdedemolis na nakikita sa mga telebisyon na kung saan nagkakasagupaan ang dalawang parte at maraming nasasaktan at namamatay. Ang hindi ko naman sinang-ayunan ay ang pagtira ng mga mayayaman sa munting tahanan ng mga mahihirap sa iskwater. Dahil sa kanila ay nagambala ang kanilang mapayapang pamumuhay dahil sila ang nagdudulot ng ingay sa pamamagitan ng pagtugtog ng kanilang komponent makikitang mas tao pa ang mga mahihirap kaysa sa mayayaman.
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto?
Ipaliwanag
- kagaya nila, ako rin ay nakaranas ng kahirapan at hindi madali ang maging mahirap minsan ang paggawa ng masama ay nagiging solusyon maitawid lamang sa gutom ang pamilya at para matugunan ang mga pangangailangan sa pang araw-araw. Naiiugnay ko ang aking sarili sa mga kaisipang nakalahad sa teksto dahil isa din akong mahirap katulad nila.
6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto
ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng
iskwater? Ipaliwanag.
- Mahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater dahil tayo na hindi nakatira sa iskwater ay nagkakaroon ng ideya sa kanilang pinagdadaan at maintindihan natin ang kanilang kalagayan. Nabago ang pananaw ko tungkol sa iskwater dahil ang akala ko ay ang iskwater ay lungga ng mga kriminal at magnanakaw yun pala ay biktima lamang sila at ang tunay na masama ay ang mga korap nating gobyerno. At ang mga mayayaman na akala mo kung sinong mga diyos.
7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan?
Ipaliwanag
- Maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan dahil hanggang ngayon hindi parin nasusulusyonan ang problemang patungkol sa kahirapan kaya hanggang ngayon wala paring pinagbago at mas lumalawak lamang ang iskwater at mas dumadami ang mga mahihirap dahil sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng pilipinas.
Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.

Comments
Post a Comment