KABANATA III ARALIN-2
Garde, David P.
BSCRIM 2-B
SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao)
Gabay sa Pagsusuri
1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?
→Ang personang nagsasalita sa tula ay walang iba kundi ang may-akda na si Fr. Albert Alejo, SJ. Ang nais ipahiwatig sa tulang isinulat ni Fr. Albert Alejo, ay tungkol sa isyu ng pagkitil sa buhay ng tao ng walang dahilan.
2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?
→Ang hayop na pinaslang sa tula ay ang butiki. Ang pagpatay sa butiki ay walang pinagkaiba sa pagpatay ng tao, taong pinatay ng walang kalaban-laban, walang-awang pinapatay na parang hayop na kinakatay. Minsan bago patayin ay pinapahirapan muna nila tulad ng pagpatay sa butiki kapag nahuli mo ay dudukutin muna ang mata, puputulin ang mga kamay at paa, ipaghahampas-hampas hanggang mamatay at mawalan ng buhay.
3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?
→Sa aking sariling opinyon, ang ibig sabihin ng huling talutud ng tula na "Habang ako'y pumapatay, kayo namay nanonood" ay parang palabas sa teatro na siya na bida, habang pumapatay ng tao ay may mga manonood na nasisiyahan habang siya ay pumapatay, o parang isang senaryo lamang ito at ang kumitil ng buhay ay libangan lamang sa mga may kakayanan.
4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?
→Iniaalay ng may-akda ang tulang ito sa mga kababayan nating biktima ng pagpatay at para na rin mabuksan ang kamalayan ng mga tao tungkol sa kalagayan ng lipunan at ng mga nasasakupan nito sa kung ano o paano ginagamit ng mga mayayaman ang kanilang kapangyarihan upangpumatay.
Mungkahing Gawain
1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.
Lola patay sa QC matapos barilin ng lasing na pulis.
4. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t ibang isyu ukol sa karapatang pantao;
→Lahat ng tao ay may karapatang mabuhay, lahat ay pantay-pantay, igalang ang karapatan ng bawat tao. Karapatang makapagsalita, karapatang mabuhay mapayapa, karapatang mag desisyon para sa sarili. Wag sana tayong kumitil ng buhay dahil tayong mga tao dapat ay hindi pumapatay ng kanilang kapwa dahil ito ay mabigat na kasalanan, hindi lang sa tao kundi pati na rin sa puong maykapal.
5. Mapahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan.
→Mahalaga ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan, dahil ang panitikan ay gumaganap bilang isang anyo ng pagpapahayag para sa bawat indibidwal na may-akda. Ang ilang mga libro ay sumasalamin sa tunay na pangyayari sa ating lipunan at dahil sa dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan ay mas mas nauunawaan natin ang mundong ating ginagalawan at napapahalagahan ang sarili nating panitikan.
Comments
Post a Comment