Ikaapat na blog
DAVID P. GARDE
BSCRIM 2-B
SA BAKWIT ISKUL
Ni Ferdinand Balino
1. Suriin ang sumusunod:
a. Pamagat
- Ang kwentong ginawa ni Ferdinand Balino ay pinamagatang "Sa Bakwit Iskul" na hango sa totoong buhay.
b. Pangunahing Tauhan
- Ang mga pangunahing tauhan sa kwentong ito ay sina Paking at Hanya na kapwa istudyante sa Bakwit Iskul.
c. Tagpuan
- Ang tagpuan sa kwento kung saan naganap ang pag-uusap nina Hanya at paking ay sa Maynila na kung saan ay tanaw ang mga matatayog na gusali.
d. Suliranin
- Isa sa mga suliranin na hinaharap ng mga bata sa lumad bakwit iskul mula noon mapahanggang ngayon ay patungkol sa pagkamkam ng mga paramilitary groups sa kanilang lupain.
e. Iba pang element
- Ang iba pang element na mayroon sa kwento ay ang banghay. Ito ay tumutukoy sa Pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong limang bahagi ang banghay:
Panimula
Saglit na kasiglahan
Kasukdulan
Kalakasan
Wakas
Ang banghay ay tumutukoy sa dapat pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang Pangyayari.
2. Ano-ano ang pagbabagong naganap sa kapaligiran at kultura ng pangunahing tauhan sa kuwento?
- Ang lahat ng kanilang nakagisnang buhay ay nabago ng dahil sa dumaraming militarisasyon sa mindanao. Dati ay masaya lamang silang naglalaro kasama ang kapwa nilang batang lumad sa isang liblib na kagubatan sa Mindanao. Ang pagsama niya sa kanyang ama sa pangangaso. Ang pagdaos nila ng kanilang mga katutubong ritwal. Ang pag-aaral nila sa eskuwelahang itinayo ng kanilang komunidad, at iba pang mga kaganapan sa kanilang tribo. lahat ng ito ay nabago pati na rin ang kanilang tradisyon. Hindi kasi pinapayagan ng kanilang tradisyon na makipaglapitan sa mga babae kahit pa mga bata. Ito ay unti- unti na pala nilang nabago ang tradisyong ito. Dahil na rin sa kanilang natutunan sa skuwelahan na karapatan nino man ang makisalamuha sa kahit anong kasarian.
3. Ano-ano ang mga karahasang naranasan ng mga Lumad ayon sa Kwento?
- Maraming karahasan ang naranasan ng mga batang lumad sa kwento na kung saan ay humantong na sa puntong hindi na sila takot sa simpleng bagyo lamang dahil mahigit pa riyan ang kanilang sinapit katulad ng pagpatay sa kanilang lahi, pinapalayas sa lupain ng kanilang ninuno, pinapasara ang kanilang paaralan, tinatakot ang mga titser at kung ano-ano pang karahasan ang kanilang naranasan.
4. Ano ang kahalagahan ng pangalan ng pangunahing tauhan sa mundo ng mga Lumad ayon sa kuwento?
- Napakahalaga ng pangalan ng pangunahing tauhan dahil ang pangalang ibinigay ng kanyang ina't ama ay hinango mula sa isang magiting na mandirigma na nakipaglaban para sa mga mamamayang lumad. Pinatay siya ng dahil sa kanyang prinsipyo at pakikibaka. Ngunit hanggang ngayon ay patuloy parin silang nakatindig sa kanilang ipinaglalaban. Nangangahulugang ang pangalang paking ay simbolo ng kanilang pagkakaisa at pag-asa.
5. Paano pinatapang ng mga pangyayaring kanilang naranasan ang mga tauhan sa kuwento?
- Tinuruan sila ng mga pangyayaring kanilang naranasan na maging matibay at maging matapang na kahit anumang bagyo pa yan ay hindi sila mapipigilan, patuloy parin silang mag-aaral sa bakwit iskul.
6. Paano nahubog ng paaralang Lumad ang mga panguahing tauhan?
- hinubog ng paaralang Lumad ang mga pangunahing tauhan na maging matapang at tumayo sa kanilang prinsipyo. Itinuro ng paaralan ang kanilang karapatan bilang isang tao at kasapi ng pamayanan at patuloy na ipaglaban ang bawat boses ng mga mamamayang lumad.
7. Ano-ano ang isyung tinalakay sa kuwentong Sa Bakwit Iskul? Ipaliwanag ang bawat isa
- Maraming isyu ang tinalakay sa kwento unang-una rito ang mga dumaraming militarisasyon sa mindanao na sanhi ng kanilang pagtakas. Pangalawa ang mga patayang nangyayari sa kasapi ng kanilang tribu na dahilan ng matinding takot sa bawat mamayang lumad. Pangatlo ay pinapalayas sila sa lupain ng kanilang ninuno, inaangkin ang kanilang lupain sa marahas na paraan ng dahil dito ay nawawalan sila ng lugar na pagtitirahan. Panghuli ay ang pagpapasara ng kanilang paaralan at tinatakot ang mga titser nila na isa narin sa mga rason ng kanilang pag-alis sa kanilang lupang kinalakihan.
8. Magbigay ng iba pang Pilipinong namatay bunga ng paninindigan sa prinsipyo at paglaban sa mali sa kasaysayan ng Pilipinas. llarawan ang napili at isalaysay ang kanyang nagawa.
Ang Pilipinong namatay rin bunga ng kanyang paninindigan sa prinsipyo at paglaban sa mali sa kasaysayan ng Pilipinas ay walang iba kundi ang isa sa magigiting nating bayani na si Heneral Antonio Luna. Isa siya sa lumaban para sa kalayaang ating timatamasa ngayong kasalukuyan. Pinanindigan niya ang kaniyang prinsipyo, hinarap ang mga mananakop, lumaban sa bulok na pamamahala ng mga korap ng pulitiko noong panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano.
9. Ano ang prinsipyo? Ano ang kahalagahan nito? Ipaliwanag.
Ang prinsipyo ay ang paniniwala na mayroon ang isang tao. Ito ay maaaring tumukoy din sa kanyang pananaw o pagtingin sa isang bagay. Ito ay nakatutulong sa atin sa paggawa ng mga desisyon. Mahalaga na magkaroon ng mabuti at tamang prinsipyo ang isang tao. Ito ay masasabi ding repleksyon ng pagkatao ng isang indibidwal.
10. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa inyong kapwa at bayan?
- Maipapakita ko ang aking pagmamahal sa kapwa at bayan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan ng walang kapalit. Upang magawa ko ito ay kailangan kung mag-aral ng mabuti at maging isang ganap na pulis na lumalaban sa krimen at nagbibigay kaligtasan sa bawat mamamayan ng ating bansa.
11. Magbigay ng mga karapatan ng kabataan ang nalabag sa kuwento? Ipaliwanag.
- Ang mga karapatang ng kabataang nalabag sa kwento ay marami, isa na rito ang karapang manirahan sa mapayapa at tahimik na lugar ngunit dahil sa mga karahasan ginagawa sa kanila ay nagiging magulo ang kanilang buhay at nawawalan ng tirahan. Pangalawa mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan. Gaya nga sa nabanggit sa kwento ay pinapatay ang kanilang lahi, nagkakaroon ng panganib sa mga bata dulot ng dumaraming militarisasyon. Pangatlo ay ang karapatang maipahayag ang kanilang sariling pananaw, isa ito sa mga nalabag na karapatan dahil kahit sinong bata ang tanungin mo ay walang batang gustong umalis sa kanilang lugar. Hindi nila maipahayag ang kanilang pananaw ukol sa pagpapalipat sa kanila sa kapatagan dahil walang sino man ang makikinig. Panghuli ay ang karapatang maipagtanggol at matulugan ng pamahalaan. Nakakalungkot lang isipin na walang ginawang hakbang ang gobyerno sa kwento hinahayaan lang nila ang mga batang lumad na abusuhin at maghirap o sadyang bulag lang ang ating pamahalaan. Nakakalungkot isiping bata pa lamang ay namulat sa na realidad ang mga batang lumad dulot ng karahasan.
Mungkahing Gawain
1. Ibuod ang binasang kwento. Isulat ang buod sa mga kasunod na patlang.
Ang ating bansang Pilipinas ay hitik sa kayamanang patungkol sa kultura hindi maitatangging kasama na rito ang mga tribong mayroon ang ating bansa. Mula noon hanggang ngayon ay hindi maiiwasan ang diskriminasyon at pang-aabuso ng mga minoryang pangkat at sa kamay ng mga dayuhan at kapwa nating Pilipino. Dama parin ng mga katutubo ang diskriminasyon at pati sa social networking sites ay laganap parin ang pagpapahirap at pang-aabusong kanilang nararanasan mapahanggang ngayon.
2. Hatin ang klase sa ilang pangkat na may hindi hihigit sa tiglilimang myembro. Matapos ay bumuo ng advocacy campaign poster kaugnay ng mga isyung tinalakay sa kuwento. Ipakita sa harap ng klase at ipaliwanag ang poster na ginawa ng inyong pangkat. I-uploaad din sa iba't ibang social media platform ang inyong poster.
3. Panoorin ng dokumentaryong Lumad: Schools Under Attact ng Bughaw Organization Philippines sa YouTube. Matapos ito ay sumulat ng isang mapanuring sanaysay hinggil sa dokumentaryong pinanood.
4. Punan ang kasunod na KWL chart hinggil sa sitwasyon ng mga pangakat minorya ng mga kailangang impormasyon.
Comments
Post a Comment