KABANATA-V-ARALIN-3
GARDE, DAVID P.
BSCRIM-2B
Ang pagiging bakla ay pagkabayubay rin sa krus ng kalbaryo
ni Rolando A. Bernales
Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat
Gabay sa Pagsusuri
1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?
• Ang pamagat ng tula ay "Ang pagiging bakla ay pagkabayubay rin sa krus ng kalbaryo." Marahil gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat dahil katulad ng dinanas ni kristo na panglalait, pangaapi, pagpapahirap habang pasan-pasan ang isang malaking krus sa kanyang balikat ay walang pinagkaiba sa pagiging bakla. Alam naman natin na sa modernong mundong ating ginagalawan na kung saan hindi tanggap ng lipunan ang pagiging bakla ng isang tao, ito'y salot sa kanilang paningin. Nariyan ang panghuhusga, mababa ang tingin sa kanila, sinasaktan pisikal at emosyonal at ito ay habang buhay nilang tinitiis pasanin na para bang pagkabayubay na rin sa krus ng kalbaryo.
2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?
• Ibig sabihin sa tulang iba't ibang mukha ay lahat, mapabata man o matanda, lalake man o babae, ina, ama, mayaman, mahirap, kakilala o hindi ka kilala lahat-lahat ay hinuhusgahan ang iyong katauhan. Kahit mabuti ang iyong hangarin, gumawa ka man ng kabutihan dahil nga ay ikaw ay isang bakla ang kanilang pananaw sa iyo ay mababa, nais nilang ikaw ay magdusa dahil sa kanilang mata ang pagiging bakla ay isang malaking kasalanan at hindi nararapat sa lipunan.
3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.
• Tinutukoy sa tulang ito ang mga tradisyon, kultura at bulok paniniwala na nagmula pa sa sinaunang panahon at sa bibliya. Ngunit para sa akin ito ay kalating tama at kalahating mali , bakit? Unang-una sa lahat kaya nasabi kong kalahati nito ay mali dahil marami sa ating lipunan ang naniniwala na kapag bakla ay salot. Hindi nila maunawaan ang kanilang kasarian dahil sarado ang kanilang isipan at patuloy silang naniniwala sa dating tradisyon at kultura kaya nagkakaroon ng diskriminasyon patungkol sa kasarian. Pangalawa, tama naman po ang turo sa ating banal na bibliya at paniniwala dahil wala namang sinabi na ang pagiging bakla ay kasalanan, basta bakla ay masama. Ang kasalanan ay ang mga gawaing makasalanan ng isang LGBT kagaya ng SAME SEX, PORNIKASYON at marami pang iba na nakakasira sa relasyon natin sa diyos.
Comments
Post a Comment