Posts

Blog 5

Image
 DAVID P. GARDE BSCRIM-2B  Sarah ni Fanny A. Garcia Mula sa Pamilya, Migrasyon, Disintegrasyon (2012) Gabay sa Pagsusuri 1. Ano ang ibig sabihin ng migrasyon-disintegrasyon? - ito ay isang proseso ng pag-alis o pag lipat sa ibang lugar o teritoryong pulitiko patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.  2. Ilahad ang konsepto ni Sarah sa OFW? Sa iyong palagay, paano niya nabuo ang gayong pagpapakahulugan sa OFW? - Ang konsepto ni Sarah pag sinabing OFW ay magkakahiwalay, malungkot, minsan may problema, masaya at mas nagiging mahal niyo ang isa't isa. Sa aking sariling opinyon, nabuo ang pagpapakahuluhan niya sa OFW dahil mula ito sa kaniyang karanasan bilang isang anak ng OFW.  3. Ano ang konsepto ni Sarah sa pamilya? Ilahad ang mga gawaing nakaatang sa bawat isang myembro ng pamilya ayon kay Sarah. - Ayon kay Sarah ang naiisip nya tungkol sa pamilya ay Pamilya. Sama-sama, nagtutulungan, nagkaksundo.  Tatay. Siya ang hanapbuhay, nagdadala...

Ikaapat na blog

DAVID P. GARDE BSCRIM 2-B SA BAKWIT ISKUL Ni Ferdinand Balino 1. Suriin ang sumusunod: a. Pamagat - Ang kwentong ginawa ni Ferdinand Balino ay pinamagatang "Sa Bakwit Iskul" na hango sa totoong buhay.  b. Pangunahing Tauhan - Ang mga pangunahing tauhan sa kwentong ito ay sina Paking at Hanya na kapwa istudyante sa Bakwit Iskul.  c. Tagpuan - Ang tagpuan sa kwento kung saan naganap ang pag-uusap nina Hanya at paking ay sa Maynila na kung saan ay tanaw ang mga matatayog na gusali.  d. Suliranin - Isa sa mga suliranin na hinaharap ng mga bata sa lumad bakwit iskul mula noon mapahanggang ngayon ay patungkol sa pagkamkam ng mga paramilitary groups sa kanilang lupain.  e. Iba pang element - Ang iba pang element na mayroon sa kwento ay ang banghay. Ito ay tumutukoy sa Pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong limang bahagi ang banghay: Panimula Saglit na kasiglahan Kasukdulan Kalakasan Wakas Ang banghay ay tumutukoy sa dapat pagkakasunod-sunod ng mga mahahala...

KABANATA-V-ARALIN-3

GARDE, DAVID P. BSCRIM-2B Ang pagiging bakla ay pagkabayubay rin sa krus ng kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat Gabay sa Pagsusuri 1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat? • Ang pamagat ng tula ay "Ang pagiging bakla ay pagkabayubay rin sa krus ng kalbaryo." Marahil gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat dahil katulad ng dinanas ni kristo na panglalait, pangaapi, pagpapahirap habang pasan-pasan ang isang malaking krus sa kanyang balikat ay walang pinagkaiba sa pagiging bakla. Alam naman natin na sa modernong mundong ating ginagalawan na kung saan hindi tanggap ng lipunan ang pagiging bakla ng isang tao, ito'y salot sa kanilang paningin. Nariyan ang panghuhusga, mababa ang tingin sa kanila, sinasaktan pisikal at emosyonal at ito ay habang buhay nilang tinitiis pasanin na para bang pagkabayubay na rin sa krus ng kalbaryo.  2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang...

KABANATA III ARALIN-2

Garde, David P. BSCRIM 2-B SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao)  Gabay sa Pagsusuri  1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi? →Ang personang nagsasalita sa tula ay walang iba kundi ang may-akda na si Fr. Albert Alejo, SJ. Ang nais ipahiwatig sa tulang isinulat ni Fr. Albert Alejo,  ay tungkol sa isyu ng pagkitil sa buhay ng tao ng walang dahilan.  2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao? →Ang hayop na pinaslang sa tula ay ang butiki. Ang pagpatay sa butiki ay walang pinagkaiba sa pagpatay ng tao, taong pinatay ng walang kalaban-laban, walang-awang pinapatay na parang hayop na kinakatay. Minsan bago patayin ay pinapahirapan muna nila tulad ng pagpatay sa butiki kapag nahuli mo ay dudukutin muna ang mata, puputulin ang mga kamay at paa, ipaghahampas-hampas hanggang mamatay at mawalan ng buhay.  3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?...

ISKWATER

Image
Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan 1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? - Ang sentral na paksa ng sanaysay ay umiikot sa kahirapan ng mga tao na naninirahan sa iskwater.  2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa. - Mayroon, at kahit ako ay hindi ko maunawaan kung  ano ang dahilan at bakit naninirahan ang mga mayayaman kung saan ang mga mahihirap lang ang naninirahan. Naging isang malaking tanong yun para saakin at yung tanong na iyon ay di rin tuwirang nasagot ng may-akda.  3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag.  - Ang layunin ng may-akda sa pagtatalakay ng paksa ay para maipakita nya kung ano ang sitwasyon ng pamumuhay sa iskwater. Isang kalagayan na kailanman ay hindi makakamtan ang kanilang nais at mga pangangailangan sa pang araw-araw, at kung gaano pa ito kamatiwasay noong panahon at gaano ka gulo ngayon dahil sa mga nasisulputang malalaking bahay. Nais rin ng m...

Pagsusuri sa Isang dipang langit.

Garde, David P. BSCRIM 2-B                               ISANG DIPANG LANGIT IKALAWANG GAWAIN     1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez. -Suriin kung anong uri ng tula? Anong teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?  •Ang uri ng tulang aking nabasa ay padamdamin dahil nakasaad dito ang marubdob na karanasan ng isang taong ikinulong at ang kanyang masalimuot at malungkot na dinanas sa loob ng bilangguan. Maaari itong masabing isang tulang elehiya, dahil ang tulang ito ay nagsasaad ng matindingkalungkutan. Biyograpikal ang teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri ng tulang ito sapagkat pinapakita ang mga pagsubok na pinagdaanan niya sa loob ng bilangguan at walang kawalan ang pag asa na mayroon siya at may pagkakataon pa na mabago ang kanyang buhay sabi nga sa tula,  "Ang tao’t Bathala ay di natutulog at di hab...